Category: Filipino


On This Day


IN MEMORY OF JO, THE MAN WHO SHOWED TRUE LOVE.

On this day,
I move my sight
To the paths of sunlight
That dance upon your skin.

They light the narrow way
Towards the place that you promised,
That universe where you are
Waiting for me.

On this day,
I set aside the times I missed
To carry you
Through the dark valley that you tread.

Instead,
I reminisce our splashing
On the shores of love,
In the pursuit of that idea we hoped to find in each other.

On this day,
I capture the warmth of the morning
Which are, no doubt, your arms
Keeping my corroding heart together.

It brings hope alive
In my heart, your souvenir,
An offering of your love
That knows neither death nor time.

On this day,
I unravel the garland
Of teardrops that flowed
With your demise.

Its absence is replaced
By a peaceful smile
That I crown upon your head
Like a halo to a saint.

When you left me once,
My soul was empty.
As you leave at last,
True love has found me.

—————————

This piece is translated from an original in Filipino

Ngayong Araw

Ngayong araw,
Binabaling ko ang aking paningin
sa mga pilapil ng sinag-araw
Na sumasayaw sa iyong katawan.

Sinisindihan nila ang makipot na daan
Patungo sa lugar na pinangako mo,
Sa lugar kung saan ka naroroon,
Hinihintay ako.

Ngayong araw,
Isinasantabi ko ang naudlot na pagkakataong,
Akayin ka,
Sa madilim na lambak na iyong tinahak.

Sa halip,
Sasariwain ko ang ating pagtatampisaw
Sa tabing-dagat ng pagmamahalan,
Sa kapwa paghabol sa hinagap na inasahang mahanap sa isa’t isa.

Ngayong araw,
Sinasambot ko ang init ng umaga
Na walang dudang mga bisig mong
Yumayapos sa nauupos kong puso.

Pinauusbong nito ang pag-asa
Sa aking puso, alaala mo,
Biyayang pinagkaloob ng pag-ibig mong
Walang pagpanaw o panahon.

Ngayong araw,
Tinatastas ko ang kuwintas ng
Mga butil ng luhang umagos
Sabay ng iyong pagkawala.

Hinahalinhinan ko ito ng
Isang payapang ngiti
Na ipinuputong ko sa iyong ulo
Gaya ng isang santo.

Noong una mo akong iniwan,
Nakaramdam ako ng kawalan.
Sa iyong muling paglisan,
Tunay na pag-ibig ang natagpuan.

Click!


Natupad lahat ng gusto mo.

Maraming salamat Jo.

Mahal kita palagi

GUSTO KONG MAGING…

ni Joren Reysoma

Gusto kong maging
Lapis sa pagitan ng yong mga daliri
Kapag sumusulat ka ng tula
Na puno ng dalamhati

Gusto kong maging
Tasa ng kapeng dumadampi
sa yong mga labi
O alak na gumuguhit
Sa yong lalamunan

Gusto kong maging
Paborito mong awitin
Kulay, laro, salita
at gawin

Gusto kong maging
Liwanag sa yong mga mata
kapag ikay tumatawa
At maging dahilan ng pagtibok ng yong puso

Nais kong maging
Lupa na iyong lalakaran
Hangin na iyong lalanghapin
Salitang iyong bibigkasin

Nais kong maging
Araw sa yong himpapawid
Buwan at bituin
Upang masundan ko ang yong bawat galaw

At kung ikay mahihiga
Gusto kong maging
malambot na kumot
Na ibabalot mo sa iyong katawan
Maging unan na iyong hahalikan

Ang huling bagay
na papasok sa yong isipan
Ang huling salita na
iyong bibitawan

Gusto kong maging
Tagahabi ng yong panaginip
Maging musa mo, maging kanta mo
Maging pangarap mo
Maging alaala mo

Gusto kong mabuhay
Sa loob ng yong isipan
At syang pupuno sa yong puso
Ng init at pagmamahal.

Ang Paraan Patungo sa Aking Puso


Ang paraan patungo sa aking puso
Ay madali.
Nagsisimula ito sa isang hakbang
Palayo.
Hinihila ito ng bigat,
Di gaya ng dinudulot ng mundo
Sa patak ng ulan,
Kundi ng sabaw
Sa kumakalam na tiyan.
Walang hinihintay na atang
Ang aking pag-ibig.
Bagkus, nabubuhay ito
Sa kahungkagan,
Sa iyong waring di-pagpansin,
Sa iyong pagsasawalang-bahala.
Ang damdamin ko’y di rosas
Na malamyos,
Na bumubukadkad
Sa pagtatalik ng hamog at sinag-araw.
Ito’y isang damong-ligaw
Na kusang umuusbong,
Nakikiapid,

Pumapatay.

Ang paraan patungo sa aking puso
Ay madali.
Ang paraan palayo
Ang may kahirapan.


 

Ang buhay, ika nga, ay parang tele-serye.

 Here’s a day in the life of Day and me.

 Introductions: Si Day, matagal ko nang bet na pinakilala sa akin ng bestfriend kong si Peewee, na ex ni Coco (7 years sila) na nakilala ko sa Singapore nung nagbakasyon ako dun two weeks ago.

 Day: Uy Coco really really really likes you…

 Doni: Of course he does. I remind him of Peewee.

 Day: Yey! Soon to be couple na ito!

 Doni: Nyek. May boyfriend na ko.

 Day: Kung ang asawa nga naaagaw boyfriend pa kaya? Hahaha.

 Doni: Ano ba, engaged din si Coco no. Adik to. Saka kung iiwanan ko yung boyfriend ko, para lang yun sayo. Hahaha.

Day: Engaged lang pala. I can ruin that engagement with just one snap of my finger. Anyway, sinong past time naman ‘yang sinasabi mong boyfriend?

Doni: Hindi siya past time at wala siya sa social radar mo dahil isa siyang outlier just like me. Bwahahahaha

Day: You said you’ll leave him for me, so he’s just an ‘effin past time.

Doni: I said that to humor you and because I know you’ll never want to end up with me… Duh…

Day: Weh. Ganun pa din ‘yun.

Doni: Think what you want, Day. Don’t be jealous.

Day: I’m not jealous babe. You already made me feel better earlier by saying that I’m the only person that can make you leave your boyfriend. And with that, I’m already satisfied. So no need for me to think much. I love you Doni. Mwah!

Doni: Hmmmmm… Hollow pathetic little lies. If you really want to get with me, then you should have. Now it’s too late. Too bad.

Day: Nah. What’s too bad is you’re with someone who happens to be just a past time. And you thinking that he’s not is the hollow pathetic little lie. And it will be too late for that guy to realize that. With that I rest my case. Peace!

Doni: What’s bad is that I’m with him instead of you. And you’ll never know how bad it is because you were never and won’t ever be with me. And it’s your fault. Don’t feel sorry for my man, Day. He gets to be loved by me.

Ang arte ko na.

Ang ganda ko pa.

(Pero iniisip ko kung ako ba talaga ang nanalo sa sagutan naming dalawa…)

I’m Here Now


Anniversary namin ni Day kahapon.

Okay, technically, hindi naman kami. Pero napagkasunduan namin (meaning, ininsist ko sa kanya) na anniversary talaga namin ang June 27. Yun kasi ang unang beses na nag-usap kami ever. Sabi ko sa kanya na dapat magdate kami ng June 27, pero since Pride Parade nung sabado at dahil 7PM na siya umuwi kinabukasan, at aaminin ko, hindi rin ako umalis ng bahay, hindi kami natuloy.

Medyo naoverwhelm nga ako ng kaunti sa nagdaang weekend. Kasi, dahil sobrang galing kong mag-cyberstalk, nahanap ko yung profile nung unang lalaking naka-date ko ever. Ang aking pers lab. Oo, siya yung sinulat ko dito dati. Na naging dahilan kung bakit ako naging sappy writer for a while. Ang sukatan ng lahat ng lalaking nakadate ko since (pero napalitan na yata yung standard ko mula nang maging kami ni Jo, huwaw… o Bub, gusto mo yun?).

Anyway, sobrang nagpapaka-nonchalant ako about the whole experience. Pero minessage niya ako sa Facebook tapos midconversation, tumawag siya sa telepono, at slight nagpanic ako at nalagay ko sa call waiting tapos hindi ko na alam kung paano ko siya babalikan kasi never naman akong nagcacall waiting ever, kaya dinrop ko yung call tapos tinawagan ko ulit siya. Yes, may ganung clumsy drama na nangyari.

Dun ko napagtanto na may kurot pa rin pala sa puso ang nakaraan.

Tapos medyo nabuwisit ako kasi nung tinitingnan ko yung mga fotos niya sa Facebook eh nakita kong hindi nagdiminish ang ka-cute-an niya. In fact, ang sexy sexy niya na ngayon. At mukhang bakla na talaga siya (as opposed to the conflicted bicurious self he was nung una kaming magdate).

So obviously, nagsound na naman ang mga chimes sa brain ko. Tapos slight nagdream ako na baka kaya niya ako kinocontact ngayon ay dahil gusto niya na kami bigyan ng second try. Na medyo kina-upset ko, kasi I was doing so great not needing to have someone in my life, tapos biglang eto na naman si ultimate “The One” at gusto ko na naman yata ng happily ever after.

Tapos naalala ko na ako pala ang nagstalk sa kanya. So na-cancel out lahat ng daydream.

Si Stephen, Heartbreaker ng HongKong

Bago ako bumalik sa “what if- what if” at “I wonder – I wonder”, e mabilis ko nang pinigilan ang sarili ko. Ngayon ko lang nakikita ang value ng “if it’s meant to be… or not to be, that is the question.”

Nireview ko ang nakaraan at ang history ko sa mga ganitong uri ng interaction. Napansin ko na tuwing may gusto akong makatuluyan ay bigla kong iniiwan ang sarili ko sa ere at hinahayaan kong mahulog ang sarili ko sa isang imaginary kumunoy. As in “dive”–no, more like “plummet”. Kung hopeless romantic kang gaya ko, alam kong alam mo yung feeling na yun: na lumalaki nang sobra yung object of your affection tapos nagkakaroon siya ng sobrang lakas na gravity, at kahit na tumatakbo ka palayo e wala ka ring choice kundi magrevolve at magrevolve sa kanya (may centripetal force).

Wait…

kailangan natin ng moment para ma-appreciate yung image na yun. Ang witty kasi…

Okay, moment over.

So after almost five years, e ngayon ko lang talaga narealize na alam ko na ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon. At feeling ko, dahil matanda na ako, alam ko na na minsan kung alam ko kung anong tamang gawin e dapat yun ang gawin ko.

So bago pa siya tuluyang lumaki (ulit) e pinili ko nang bigyan ang sarili ko ng isang matinding dose of reality.

To reinforce the message, nanood ako ng “He’s Just Not That Into You” kanina. At naalala kong crush ko nga pala si Justin Long.

Naisip kong ang pakikipagrealsyon ay hindi isang hunting expedition. Rather, dapat mo siyang gawing fishing trip.

Sure, kailangan mong mag-exert ng effort. Sure, kailangan mo ng bait, kailangan mo ng line, kailangan mo ng hook, ng sinker, at ng fabulous na fishing outfit, pero pagna-cast mo na yung line, keri na yun. Wait, wait ka na dapat ng bite. Walang sense na sisirin mo yung sapa tapos manually mong isukbit yung pain sa bibig nung fish. Dahil ang tawag doon ay hindi fishing kundi overkill.

Sobrang guilty ako sa ganyan.

Which brings me to the next kuwento…

Saturday night ang birthday party ni Jeremy sa Cubao. 8:30 ang party pero siyempre, 10PM na ako dumating kasi ayaw ko naman maging atat. Dumating ako sa isang party ng mga fresh grad na never ko pang nameet. Mabuti na lang at nandun na si Micay at si Toni, na parehong, naeewan din sa mga kaganapan. Contrary to my past experiences in reference to Jeremy’s house parties, medjo droll at honestly, slightly irritating ang party na ito.

Pagpasok ko pa lang ay binati ko na si Jeremy. “Happy birthday!” quieme, na may absence ng usual touchiness. E mesyo busy na siya kaka-ayos ng mga sheeznit so pumunta na lang ako malapit kay Micay para maka-catch up kami ng konti. So pagdating ko, umuulan na ng compliments from Micay. “Bakit ang guwapo mo ngayon?”, “Ang cute,cute naman ng outfit mo.” “Uy, grabe namiss kita.”

Sinegundahan pa yun ni Toni (ang bestfriend ni Jeremy) na super nagpapaka-social butterfly. So parang, ooo–kaaayyy (something’s fishy), sabi nila kain na daw ako. Sabi ko naman, wait lang, iinom lang ako konti muna.

I was asking them about the pink drink they served me, sabi ni Micay, si Migs daw gumawa nun. I was like, “sinong Migs?” tapos speechless na si Micay.

In reality, may idea na ako kung sino si Migs, kasi si Day, na hari ng mga cyberstalkers, ay inaasar ako dahil magkamukha daw kami nun.

Finally, sinabi rin ni Toni na si Migs na ang boyfriend ni Jeremy. Nagpause ako for a change… sabay sabi ng “Ah, ganun…” tapos kumain na ako.

The whole night, ni minsan, di ko naka-interact si Migs. Dahil kahit may opportunity, di ko naman alam ang sasabihin ko. I mean, di naman protocol na mag-catch up kami diba? After all, hindi nga ako inintroduce ni Jeremy sa kanya.

I decided to leave early kasi dead na yung party at frankly, hindi na ako interesado magstay dahil nagbibuild na yung awkwardness, especially after Jeremy told our group na ine-alienate daw namin yung mga friends ni Migs. Ayoko ng drama. Sayang ang outfit ko. At nasesense kong mababadtrip lang ako. So I left.

I said goodbye to Jeremy and gave him an awkward hug (he was getting something from the cooler kasi). I don’t know what to make of it. Pero for a change, I just want to keep it that way. There’s no point over-analyzing. I’ve been doing that forever and it’s got me nowhere.

Kagabi, nagpost ako sa Facebook ng status message:

“There are two things that the past can do with equal intensity: show you how much you’ve changed, and show you how exactly the same you are.”

Original yang quote na yan. Hahahaha…

At kaya ko naisip yun kasi totoo naman talaga siya. Pero ang mas mahalagang lesson diyan ay habang nagkakaroon ka ng maraming past (meaning, kung nagmamature ka), ay dapat nadidistinguish mo na rin kung ano ba sa mga changes ang dapat mong i-retain at kung ano bang sameness ang gusto mong i-leave behind.

I have always asked myself, why it was difficult for others to see how great I am. I mean, a lot of people can see it plainly. You guys do, right? (Huwaw, major Fishing!!!) but never the ones I wanted to show myself to.

Then I realized, it was never about them really. It was about me. Sometimes, pinapackage natin yung sarili natin para magustuhan tayo ng iba. Hindi natin napapansin na in the times when we’re not looking, other people see us and they like the view… a lot.

June 27 ang anniversary namin ni Day. And he happens to be one of the people who see me when I’m not looking. And like me… a lot.

I figured, whatever the past does, there’s always something that ties it to the present. It’s the fact that I was there, and I’m here now. And the distance between the two is completely under my control. It’s taken several years for me to come to this point when I can look at the past and see it for what it is: a series of memories.

There’s no sense living my life holding on to the things that I wanted to have in the past. There’s no sense dwelling on the “what if’s” and “I wonder’s.” Those things were never real, and there’s no guarantee that they will ever be real.

I’m here now.

Quiapo


 

Ilang kopi†a ng

Pampagana

Pampakipo†

Pampahaba a†

Pampa†ambok

Ang nabibili sa Quiapo bawa†

Linggo?

Ilang kapilya ang mapupuno ng

Mahalay na pelikula,

Mga dibuho ng mga

Adan a† Eba,

San†o’† San†i†a?

Ilang namamana†a

Ang †ikom na

Nagkakas†ahan

Sa loob ng mga mumurahing

Mo†el?

Ilang pu†a ang nebebendisyunan

Ng mapu†i a†

Malansang †amod?

Sabay sambi† ng

“Diyos ko po!”

Sa anino lang ng bahay ng

Nazareno.

Sobrang lapi†

Maaaring lakarin nang

Paluhod.

Ilayo mo po kami sa †ukso a†

Iadya mo kami sa laha† ng masama.

Kaninong awi† ng

Libog

Ang ikinukubli sa alingawngaw ng

Kampana?

Amen,

Amen a†

Amen.


 

Ang FM ko aaay…
I     F      eeeeeeeeeM! 
 

Ocubaonapo!LahatpongCubaolapit-lapitnaposapinto.

Clink!
CROOOOOOOOO-SSSIIIIINGIBABAW,BONITULAYBACLARAAAAAAAN!
Osigemakikiusognalangposagitna-o
Waglangpongharanganangpinto.
Clink-clink-clink!

Araaa-haaaay o kay hapdi
Nitong pu-so koooooh!

BUDGE NOT HONOR KEEP TIKET 4 INSPECTION 

Oyungmgabagongsakayho-o
Hops—makikiraanlangpo
Usogusoglangpobossparamakadaan
 
E puno na kasi pasakay pa kayo nang pasakay!

Malaki aaaang
Pag-ibiiig
Na inalay ko sa’yo-hooooh
Bakiiit ngayong ako-hoooy
Iniwanan mowo-hu-hooh? 

Para…

Boss, para!

PUTANGINA PARA NGA E, BINGE!

Clink!
Itatabilangpomasyadokayongmainit-e.
E ANG LAYO NA E!
Mahuhulipotayodiyanboss
Hindinamankayoangmalilintikan…
Clink-clink-clink!  BLAG! BLAG! BLAG!
SANDALI LANG
DI PA NGA NAKAKABABA
NANANADYA KA BA?!
Kontingbilislangboss.
KONTING BILIS E SIKSIKAN TONG BUS NYO GAGO!
Sus!Angartenamannito.

ANO?!

PU TANGINAMO!

GAGO!

GAGOKARIN!

Clink-clink-clink! 

Ayokonanoh!
Ayoko naaang
Humaraaaaahaaaaayyy!

Who-hoooh!
Aaaahhhyoko-hu-hoooong

Humaraaaayyy…


DONI: May nakita ka ba sa bag ko?

MEL: Ano? Condom?

DONI: Hindi naman ako sa bag nagke-keep ng condom, e.

MEL: So saan?

DONI: Sa heart, yun naman ang may kailangan ng protection.

Phase 3


“Sa Phase 3”
“Special na?”

Tumango si Sid sabay sakay ng tricycle, aabutin na siya ng umaga kung maghihintay pa siya ng kasabay na Phase 3 din. Lecheng long call kasi yan, OT ng 30minutes, may coaching pa kay TL. Quarter to three na.

Kung malaki lang ang kita sa pagsusulat di na sana siya magtitiis sa pakikinig sa sangkatutak na mura ng mga bobong kanong hindi marunong gumamit ng internet.

All in a days work. Mabuti na lang at may natirang beer sa ref. Bakit ba kasi ang layo pa ng Phase 3? Naglabas si Sid ng Marlboro Green mula sa sling bag niya at nagsindi, well, sinubukan niya. Pero wala pala siyang talent magsindi ng yosi against the wind. Hayup, yosi na nga lang ang kunswelo niya hindi pa maibigay. Malayo pa ang Phase 3, matagal pa ang hihintayin bago makapagsindi ng yosi.

Nangangawit na ang mga labi ni Sid sa pag-ipit sa sigarilyo habang hawak ang lighter sa kanang kamay. Naghihintay ng tiyempong bumagal nang kaunti ang takbo ng tricycle.

May kulang sa tricycle na ito– black light… at pinoy rap na dumadagundong. Pati yung nakasabit na “God Bless Our Trip”. Sa halip isang malaking rearview mirror ang nasa harapan niya–yung convex. Sa ilaw ng mga posteng nadadaanan nila, kitang kita ni Sid ang namamaga niyang mga mata.

“Hay, kung sana love life ang sanhi ng mga eyebags na’to. E di worth it.”
“Ha?”, sigaw ng tricycle driver.
“Hmm?”

Bumagal nang bahagya ang takbo ng tricycle.

“Kaliwa?”
“Ha? Hindi.”

Sa wakas nasindihan din ni Sid ang yosing nakababad sa labi niya. Magandang excuse para itago ang pagkapahiya.

“Akala ko kasi ako kausap mo e.”
“Ah, hindi.”

Tiningnan ni Sid ang driver sa side mirror ng motor. Nakangiti ito sa kanya. Naramdaman ni Sid na uminit ang mga pisngi niya.

“Call center ka?”
Tumango si Sid.
“Ganitong oras ka lagi umuuwi?”
Tumango si Sid ulit kahit hindi yun totoo. Nakakapagod magpaliwanag sa umaandar na tricycle.

Tiningnan muli ni Sid ang mukha ng driver sa salamin at naisip niyang hindi bagay sa binatang ito ang trabaho niya. Napangiti si Sid sa sarili sabay hithit ng sigarilyo. Hmm, something in common. Nakangiti rin ang binata sa salamin.

“Kanan diyan…
“Sa tabi na lang.” Nag-abot si Sid ng singkwenta pesos at naghanda nang bumaba.

Dumukot sa bulsa ang binatang driver. Sa kabila. Dumukot siya sa beltbag na nakasabit sa manubela ng motor. Walang barya.

“Boss, wala ka bang trenta? Buo rin pala natira. Pagarahe na kasi ako e.”

Dami namang paliwanag nito. Naisip ni Sid na baka dinudugas siya ng driver. “Sayang, pogi ka pa naman. Di bagay sayo maging manggagantso,” bulong ni Sid sa sarili. Napangiti na naman siya. At nahuli siya ng driver sa salamin. Ngumiti din ito.

“Sige, saka mo na lang ako bayaran.” Inabot ng driver ang singkwenta kay Sid.
“Nye, parang magkikita pa tayo.”
“Bakit lilipat ka na ba?”
“Engot, siyempre di ko naman alam kung kelan tayo mag-aabot.”
“Ano?”
“Sabi ko, alangan namang hintayin mo ako bukas.”
“Hahaha. Anong tinawag mo sa’kin?”
“Engot?”
“Hahahahaha.”
“Abnormal…”
“Hahahahaha. Palabiro ka pala.
“Sige na. Nakaboundary naman na ko.”

Naasiwa si Sid sa nangyayari, hindi siya sanay na nakakalibre.

“Sige kuya, keep the change.”
“Nako, hindi na. Sige na, magkikita pa naman tayo.” Kinuha ng driver ang kamay ni Sid at nilagay dito ang pera.
“Hala, nako kuya ha, hinahawakan mo na ko.”
“Hahaha. Kanina mo pa nga ako tinitingnan sa side mirror, e.”

Napahiya na naman si Sid. Pinitik niya ang yosi at lumabas ng tricycle. Iniwan niya ang singkwenta pesos sa upuan ng tricycle at naglakad papunta sa gate. Agad niya itong binuksan at pumasok. Kinapa niya sa loob ng sling bag ang susi ng bahay.

“Uy! Uy, binibiro lang kita ha.” Bumaba ang driver sa tricycle at pumunta sa gate.

“Hmpf, alam ko. Nako kuya, hindi mo ako madadaan sa ganyan. Hindi ako naghahanap ng callboy.”
“Ha? Uy hindi ako pumapatol sa bakla no.”
“Ewan ko lang ha. Puwes hindi rin ako pumapatol sa lalaki.”
“Ha? Sorry, hindi ka ba bakla? My bad…”

“My bad?” Hindi nga yata tricycle driver ito. Baka nautusan lang. Baka siya talaga yung anak nung operator. Baka tricycle lang yun ng kaibigan niya. Nagswimming ang utak ni Sid sa dami ng posibilidad.

Nahanap din ni Sid ang susi. Binuksan niya ang pinto ng bahay at binuksan ang ilaw ng sala.

“Akala ko kasi bakla ka. Pasensya na ha.” Malakas na sambit ng driver mula sa gate.
“Bakla talaga ko kuya. Di lang ako pumapatol sa hindi rin bakla… o sige na.” Nilapag ni Sid ang gamit sa sofa at lumabas muli upang isara ang gate.

“Ikaw lang mag-isa?”
“Oy, kuya, kung may binabalak ka wag mo nang ituloy. Bakla ako pero marunong ako manapak.” Hawak na ni Sid ang tarangkahan.
“Ha? Anong balak? Nakikipag-usap lang naman ako. Ang sungit naman nito.”
“Ewan. Hindi naman tayo close.” Sinarado niya ang gate at pumasok na sa bahay.

Nagpalit ng tsinelas si Sid at nagpunta sa kusina. Binuksan niya ang ref. Tubig. Tubig. Isang itlog na natira mula sa binili niya nung nakaraang linggo. At apat na SanMig light. Sinarado niya ang ref at nagtungo sa sala para kunin ang notebook na palagi niyang dala sa bag. Binasa ni Sid ang mga naisulat niya kanina habang nagyoyosi break. Ang cheesy, ang corny. Ang juvenile.

Ilang minuto na, hindi pa rin naririnig ni Sid na umalis ang tricycle. Sa normal na pagkakataon, maaalarma siya. Ikakandado niya ang pintuan ng bahay at magpapatay ng ilaw. Pero iba ang isang ‘to. Bukod sa masyado siyang cute para maging tricycle driver, mukhang interesado rin siyang makipagkilala. Nag-alinlangan si Sid nang kaunti pero agad rin siyang kumuha ng sigarilyo at lighter at lumabas sa may gate. Naroon pa nga ang tricycle at ang driver nito. Mukhang naghihintay.

“Nasiraan ka ba?”
“Ha? Hindi.”
“E bakit dito ka nakaparada, hindi naman ‘to parking lot?”
“E ayaw ko pang umalis e. Bawal ba? Wala namang tao dito sa kalsada.”
“Akala ko ba gagarahe ka na?”
“Naalala mo yun?”
“Ewan.”
“Haha, pikon ka pala no? Saka ang lakas mo magyosi. Alam mo bang hindi maganda yan?”
“Makialam ba? Bakit hindi ka ba nagyoyosi?”
“Nagyoyosi, ano bang niyoyosi mo?”
“Green.”
“Penge naman.”
“Hala, tambay?”
“Kusa ka namang lumabas a. Nananahimik ako dito e.”

Hinagis ni Sid ang kaha ng sigarilyo sa driver. “Ibalik mo sa akin yan ha.”

“Isa lang. Damot.” Lumapit ang driver sa gate upang makisindi. Sabay abot ng kaha ng sigarilyo. Sinindihan ni Sid ang yosi habang subo ito ng driver. Naalala ni Sid ang nabanggit sa kanya ng isang kaibigan dati, kapag nakikisindi ka ng sigarilyo, dapat tinitingnan mo sa mata ang taong nagsindi nito para sa iyo. Smoking etiquette. Naibuga na ng driver ang usok ng una niyang hithit, hawak pa rin ni Sid ang lighter na nakasindi.

“Uy. Masusunog ka na.” Hinipan ng driver ang apoy ng lighter. Muntik nang dumapo ang labi nito sa kamay ni Sid.

“Parang lumulutang utak mo palagi no?”
“Ha? Hindi, hobby ko lang talaga mag-isip.”
“Ah… Andy.”
“Ha?”
“Sabi ko ako si Andy. You are?”
“Ah, Sid.” Nagkamay ang dalawa sa pagitan ng mga grills ng gate.
“Nice to meet you Sid.”
“Likewise.” Nagkakamay pa rin ang dalawa.
“Uy, nagpapahawak na siya.”
“Leche.” Agad bumitaw si Sid at naramdaman na namang namumula ang kanyang mga pisngi.
“Nakakatuwa ka naman. Parang ang sweet mo.”
“Nako ewan ko ha. Malandi ka.” Sinagot ito ni Andy ng makulit na ngiti. Kanina, pogi lang si Andy, pero gumagwapo pala siya kapag nakangiti.

Mahaba at medyo kumukulot pataas ang eyelashes niya. Parang medyo Bumbayin. Pero hindi yung Bumbay na may turban na nagpapautang. Yung Bumbay na malinis tingnan: mukhang artista, parang yung bida sa Heroes, hindi maitim pero hindi rin maputi. Parang caramel yung balat. Caramel, tapos yung pilikmata parang sa camel.
Mahaba ang pilikmata ng camel para hindi siya mapuwing pag may sandstorm sa disyerto. Totoo yun, napanood ni Sid sa Animal Planet. At yung humps ng camel nadedeflate kapag gutom na siya.

Nakakadiri yung itsura ng deflated na hump ng camel, parang… hindi scrotum. Well, parang scrotum pero upside down, so mas mukhang malungkot.

Kaya dapat hindi ginugutom o inuuhaw ang camel. Para laging masaya yung humps niya. Pero minsan lang naman required kumain ang camel. Di naman yun parang baka na araw-araw mong kailangan pakainin ng feeds.

Parang nabasa rin ni Sid dati na ang mga tao, pag three weeks nang di kumakain mamamatay na. Tapos pag three days hindi uminom ng tubig mamamatay din. Tapos three minutes na hindi huminga… kakapusin.

Naku, hindi pala ako marunong mag-CPR saka mouth to mouth resuscitation–

“Uy, lumulutang ka na naman.” Hirit ni Andy sabay wasiwas ng kamay sa mukha ni Sid.
“Gusto mong uminom?”
“Tubig?”
“Pwede, meron din akong Light. Tira nung nakaraan.”
“Ayos lang ba?”
“Aalukin ba kita kung hindi? Binuksan ni Sid ang gate at pinatuloy si Andy sa kanyang bahay.

“Pasensya na medyo makalat.” paumanhin ni Sid habang pinapark ang yosi sa ashtray sa lamesa.
“Oo nga.”
Natigilan si Sid, pinandilatan niya ng mata ang hirit na ‘yon ng bago niyang kakilala.
“Haha, loko lang. Ayos lang yun ‘no.”
“O, wag kang maghubad ng tsinelas, ano ka ba? Hindi ako nagwawalis,” sabi ni Sid habang papunta sa kusina para kumuha ng inumin.
“Malinis naman e. Paupo ha.”
“Bahala ka sa buhay mo. Uy, gusto mo ba ng tubig o beer na agad?”
“Ikaw.”
“Ano?” Sumilip si Sid mula sa kusina, hindi dapat iniiwan mag-isa ang bisita. Lalo kapag hindi mo pa kakilala. Mahirap na. Madaling hinanap ni Sid ang bottle opener sa drawer at nagdala ng dalawang bote ng beer. Hindi niya na binuksan.
“Sabi ko, ikaw na bahala.” Pinagmamasdan ni Andy ang notebook na nakalapag sa coffee table. Pinark niya rin ang yosi sa ashtray at umayos ng kaunti sa sofa. Nakaderecho ang upo niya, mga arm’s length ang layo mula sa nakatiwangwang na sling bag ni Sid. Parang naghihintay sa labas ng Guidance Office.
“Ano’ng tinitingnan mo?”
“Sa’yo ‘to?” Dinampot ni Andy ang notebook.
Agad nilapag ni Sid ang mga dala sa lamesa. “‘Wag mong bubuksan!” Hinablot ni Sid ang notebook mula kay Andy.
“Nagtatanong lang… ano ba’ng laman niyan? Diary?”
“Ang dami mong tanong. Buksan mo na lang yung bote.”
“Nagyeyelo pa ‘to a.”
“Gusto mo upuan ko?” Sarcastic na sagot ni Sid.
“Hahaha… ano ‘to itlog?”
Natigilan ang dalawa. Nagkatinginan, at sabay na humagalpak sa tawa.

“Ang baboy mo.”
“O bakit? Inuupuan naman talaga yung itlog para mainitan a.” Nagpipigil ng tawa si Andy. Namumula ang mga pisngi niya.

Lord, sana hindi siya serial killer.

“Ewan.”
“Lagi mainit ulo mo?”
“Huh? Di naman mainit ulo ko a.”
“Di mainit pero ang taas ng boses mo. O eto na beer niyo, sir–este — ma’am.”
“Nako wag na wag mo kong tatawaging ma’am. Masaya ko sa pagiging bakla ‘no. Ayaw ko magpaka-girl.”
“Galit ka na naman?”
“E gusto ko lang linawin na hindi ako tulad ng ibang bakla pinapatulan mo. Wala akong mga illusions. Kaya nga bakla din ang hinahanap ko.”
“Bakit mo naman naisip na pumapatol ako sa bakla?”
“E nagpapa-cute ka nga sa’kin, ‘no.”
“Nagpapabola ka naman.”
“Bakit? Sinabi ko bang nagwo-work?”
Napangiti na naman si Andy, “uy, di ako pumapatol sa bakla, ‘no.”
“Style mo…” Tingnan natin kung hindi magbago ang stand mo sa issue na ‘yan. “O sige nga, kung hindi ka talaga pumapatol sa bakla, bakit ka nandito? Bakit ka umiinom ng beer ng bakla? Umuupo sa sofa ng bakla? Nakikipag-usap sa bakla?”
“Bakit, patol na ba ‘yun sa’yo? Saka, ang dami-dami kong nakikitang bakla diyan sa pilahan, no. Siyempre masasanay din ako.”
“So, sumasama ka rin sa kanila?”
“Hindi. Bakit naman ako sasama?”
“E bakit naghihintay ka sa labas ng gate ko?”
“Wala lang.”
Bet yata ako nitong si kuya Trike. “Hmpf, and dami mong press release. Paabot naman ng bag.”
Inayos ni Andy ang takip ng bag ni Sid at iniabot ito sa kanya.

“Urong ka naman konti, pwede naman akong umupo di ba?” Step one. Nilagay ni Sid ang bag sa kanan niya, kaya’t napapagitnaan siya nito at ni Andy sa kabilang side. Inilapit niya ang sarili kay Andy at huminga ng malalim. Sinusubukan ni Sid na maamoy si Andy. Isang technique na namaster habang naglalakad sa mall ‘pag may nakakasalubong siyang cute.

Umurong si Andy hanggang sa dulo ng sofa, binibigyan ng space si Sid.

“Hindi ka mabaho, ha.”
“Inaamoy mo ‘ko? Pawis na ko e.”
“Hindi ka nga mabaho. Anong pabango mo?”
“Hindi ako nagpapabango.”
“Nagdedeodorant ka naman?”
“Ha? Ano bang tanong ‘yan?”
“Wala, ang weird lang kasi hindi ka amoy tricycle driver.”
“Hahahahaha, bakit ano ba’ng amoy ng tricycle driver?”
“Ewan, amoy motor oil? Malay ko.” Sinundot ni Sid ang tagiliran ni Andy.
“Uy, ano ba?” Lumipat si Andy sa upuan sa kaliwa ng sofa.
Step two.
“Inaamoy mo lahat ng nagpupunta sa bahay mo?”
“Hindi,” mariing sagot ni Sid
“E bakit mo ko inaamoy?”
“Huh? Hello, naamoy lang kita. Accident yun no. Feeling ka masyado.”
“Whooo, siguro marami kang dinadala dito ‘no?”
“Hoy, judgmental ka. At ano namang paki mo? Naiinggit ka?”
“Hmp, naiinggit? Bakit naman ako maiinggit?” Uminom si Andy ng beer.
Denial. Step three.

“Shit, nakalimutan kong may yosi pala ko. Naubos tuloy,” lumagok ng beer si Sid.
“Ayan, kung anu-ano kasi iniisip mo.” Hinithit ni Andy ang yosi niya at pinatay ito sa ashtray.
Hindi nilalapag ni Sid ang bote ng beer, instead pinaglalaruan niya ito at hinimas-himas. Nabasa ni Sid ang move na ‘to sa Cosmo’s 10 Subtle Ways to Get a Man’s Attention.
“Nababasa ka na.”
“Ha?!” Biglang tumingin si Sid sa pundiyo ng pantalon niya. Sa may kaliwang hita, may bakas ng tubig na tumutulo mula sa gilid ng malamig na bote.
“Tumutulo yung beer mo.”
“Ang dami mong napapansin.” Akalain mong totoo pala yung sinasabi sa magazine? At dahil diyan, step four. Nilapag ni Sid ang bote sa lamesa at pinunas ang mga kamay sa pantalon.
“Ewan, observant lang siguro talaga ako.”
“Observant?” Isang unexpected expression na naman ang narinig ni Sid. Something’s fishy here.

“Sa inyo ba yung tricycle na minamaneho niyo?” Simula na ng interview.
“Hindi. Hinihiram ko lang yan.”
“Ah, matagal ka nang nagtatricycle?”
“Mga two years. Pero hindi palagi.”
“Bakit ngayon lang kita nakita?”
“E kakabalik ko lang.”
“Bakit san ka nagpunta?”
“Secret. Teka, bakit sunud-sunod yung tanong mo?”
“Wala, talk show host ako e.”
“Weh, di nga.”
“Sagutin mo na lang. Bahay ko naman ‘to a.”
“Ang yabang. E di aalis na ko,” tumayo si Andy mula sa upuan. Hinawakan siya ni Sid sa braso, pinipigilang umalis.
“Alam mo ang OA mo. Hindi ka cute, pwede? Umupo ka lang diyan. May beer ka pa.” Umupo si Andy at kinuha ang bote gamit ang kabilang kamay.
“Uuuy, nagpapahawak na siya. Step five!” tukso ni Sid.
“Gumaganti ka ha. Ano’ng step five?” Binawi ni Andy ang braso niya.
“Wala, may naalala lang ako.”
“Ano ‘yun?”
“Basta, hindi ka naman makakarelate.”
“Malay mo…”
“Basta, wag ka nang magulo. Ako yung host. Guest ka lang.”
“Ayos ka a.”
“Sandali, bakit mo ba ko hinihintay sa labas?”
“Ha? Ikaw kaya lumabas.”
“E bakit ka sumama dito sa loob?”
“E inaya mo ko e.”
“Kaya nga… haaay, ang pilosopo mo naman.”
“Ganun talaga.”
“Alam mo ihahampas ko sa’yo ‘tong bote ko.”
“Sayang may laman pa.”
“Wala akong pakialam.”
“O sige, i-straight mo ‘yan tapos sasagutin ko.”

May lawa na ng tubig sa lamesa ni Sid. Dinampot niya ang bote, mga lampas kalahati pa. Binottoms-up niya ang laman nito. Hindi na masyadong malamig. Tumutulo ang beer sa gilid ng pisngi niya. Pero hindi niya binaba ang bote hanggang sa bula na lang ang matira sa loob nito. Nakakadiri ang lasa ng beer foam. Parang ipis na napisa. Napangiwi si Sid. Pilit na pinipigil maduwal sa pakla ng beer.

“O ayan.” Lumunok ng laway si Sid para mapawi ang lasa. “Game, magpaliwanag ka na.”
“Natutuwa kasi ako sa itsura mo kanina.”
“Ha? Bakit?”
“Wala, parang wala kang problema.”
“E bakit naman ako–”
“Sandali, nagpapaliwanag ako,” sabat ni Andy. “Pero nung tiningnan ko yung mukha mo sa salamin, parang may nakita ako.”
“Multo?”
“Hindi. Ano ka ba? Hindi mo matiis na hindi magpatawa ‘no?”
Natigilan si Sid. “Hmp, o siya, anong nakita mo?”
“Parang malungkot ka pala.”
Step close.

Nagsindi pa ng yosi si Sid. At nag-offer kay Andy na kumuha rin ng isa.
“Ubusin na natin yung beer. Wala namang ibang iinom nun.” Tumayo na si Sid at nagpunta sa kusina.

Mabagal na ang lakad ni Sid pabalik sa sala nung ikalawang beses na magdala siya ng inumin. Iniisip niyang mabuti ang sinabi ni Andy. Mukha na pala siyang malungkot. Kailangan niya na ng eye gel.

“Namamaga na ba yung mata ko?” Tanong ni Sid habang binubuksan ang mga bote.
“Medyo. Parang lalo kang sumisingkit. Chinese ka ba?”
“Hmmm, sana. Pero hindi. Chinita lang talaga ako.”
“Chinita talaga ha.” Uminom si Andy mula sa boteng inabot ni Sid.
“Lagi akong tinatanong kung may lahi ako. Ewan. Dapat talaga naging Chinese na lang ako e.” Uminom si Sid ng beer. Hindi gaanong mapakla ito kasi tama lang ang lamig.
“Iba kasi yung features mo e. Para kang ano–”
“O ano na naman?”
“Para kang panda.”
“Leche. Puro ka kalokohan. Pero ang cute ng mga Panda ‘no? Sila lang yata yung hayop na cute ‘pag pinanganak at cute pa rin ‘pag tumanda.”
“Haha, kung anu-anong naiisip mo ‘no?”
“E sayang naman yung utak ko kung ipapalaman ko lang sa ulo ko diba?”
“Loko-loko ka talaga. Nakakaaliw kang kausap.”
“Lahat naman ng tao ganyan ang sinasabi. Mukha lang akong clown pero matalino talaga ko.”
“Matalino ka naman talaga e. Halata naman yun.”
“Asus, bolero.” Inom si Sid ng beer.
“O, tingnan mo ‘to. Pag kinokontra ka ayaw mo. Ngayon sumasang-ayon ako, ayaw mo pa rin.” si Andy naman.
“Gusto mo bang makita yung notebook ko?”
“Oo nga, ano bang laman niyan?”
“Wala, basura. Mga kung anu-ano lang.”

Tinabihan ni Andy si Sid sa sofa at binuklat nila ang notebook. Inabot ni Sid sa kanya ang notebook at hinayaan siyang basahin ito.

Maraming mga nakasulat sa mga pahina. May simula ng kuwento. Mga maiikling tula. Mga stanzang ginurihan ng sulat ng ballpen. Mga maliliit na drowing ng mata, isda, at kung anu-ano pa.

Nakadungaw si Sid sa ibabaw ng balikat ni Andy. Tinitingnan niya ang batok, likod, balikat, braso, at mga daliri nito.

“Alam mo, tama ako,” biglang sabi ni Andy. Nahuli ni Sid ang sarili at biglang umayos ng pagkakaupo. “Yung mga sinusulat mo, bakit kung hindi tapos, maraming bura? Tapos yung mga natatapos mo naman, lagi tungkol sa malungkot.”
“E nakocornihan ako sa gawa ko minsan e. Ayaw ko kasi nung masyadong cheesy. Siyempre kailangan i-edit nang i-edit.”
“Ah… e bakit yung isang ‘to parang wala kang binago?”
“Sinulat ko yan nung nagbreak kami ng ex ko. Ayaw ko nang baguhin, ‘yan na ‘yun e.”
“Okay. Itong isang ‘to gusto ko.”
“Hindi pa tapos yan e.”
“Oo nga. Bakit hindi mo tinapos?”
“E nawalan ako ng gana, masyado kasi siyang masaya. Alam mo yun?”
“Oo. Kaya nga dapat tinapos mo. Maganda siguro ‘to gawing kanta.”
“E di gawin mo. Tapusin mo. Ayaw ko ng mga ganyang gawa. Parang hindi ako. Kaya nga hindi ko matapos.”
“Nye, ayaw ko ngang tapusin ‘to. Dapat ikaw gumawa niyan. Tula mo ‘yan e. Ganito na lang. ‘Pag natapos mo gagawan ko ng tono.”
“Collaboration? Ang corny ha.”
“O di wag.”
“Bakit marunong ka ba gumawa ng kanta?”
“Konti. Basta tapusin mo ‘to tapos gawin nating kanta, ha?”
“Ewan, bahala na.”

Masyado namang concerned ‘to. E ano naman pakialam niya sa tulang ‘yon? Di ko na nga maaalala. Hindi naging style ni Sid na magsulat ng may kasama. Noong high school, pinagawa sila ng tula bulang group activity sa English. Binuo niya ang tula mag-isa habang nagkukuwentuhan ang mga groupmates niya. Binigyan sila ng teacher ng 96.

“Nako, wala na tayong beer,” sabi ni Sid.
“Haha, nawili yata tayo. Nako mag-uumaga na pala, nakabalandra pa yung tricycle sa labas.”
“Gagarahe pala ha.”
“E ang daldal mo e.” Inabot ni Andy ang notebook kay Sid at ipinatong ito ni Sid sa bag.
“Ikaw kaya.”
“Hahaha. Ewan, hindi naman ako ganito. Uy, may yosi pa ba?”
Kinuha ni Sid ang kaha, “dalawa, tig-isa tayo.”
“Sige, pasindi na lang tapos lakad na ko. Salamat ha.” Tumayo na si Andy, papalabas na ng bahay.
“Sige. Hatid na kita sa gate.”
“Ayos, yan ang gusto ko sa’yo, maalaga.”
“Adik!”
“Hahaha, sige na.”

Sumakay na si Andy sa tricycle at lumarga na. Sinundan ni Sid ng tingin ang tricycle hanggang sa pagliko nito sa kanto. Pumasok si Sid sa bahay at nagsara ng pinto. Kinuha niya ang natitirang yosi sa kaha. Ayaw lumabas. Sinundot niya ang pakete at may nakapang papel sa loob. Ang singkwenta pesos na binayad niya kanina.

Napangiti si Sid. Inipit niya sa notebook ang pera.

PUWANG


 

Sa mga puwang sa pagitan ng bawat salita
At dito sa pagitan ng mga taludtod,
Sa siwang na ginuhitan ni Mesandel Virtusio Arguelles–
Kung saan tayo ay nag-aabang.

Dito ang ating mundo,
Minamantsahan ng mga kuwit at tuldok-
Sa sandali ng pagtiyak kung hihinto
O dadaloy.

Mahihimlay tayo’t palilibutan ng mga
Mabulaklak na salita.
Tayo: sa tagnian ng bawat diwa,
May saysay man o wala.

Masasaksihan natin ang tagumpay o kasawian-
Ang singkupasyon ng pakikinig at pagsasalita-
Nang tahimik (gaya ng mga puwang sa pagitan),
Walang salita.