Pumipintig
Ang kalsada

            Nobody,
Nobody
But you. Sa lamesa,

Isang karton
Ng siomai na sobrang
                        Anghang.
Kala      hating boteng beer
Na bumubula at isang

Bakanteng silya

Iniisip kong mabuti kung gusto kong
Ikaw ang makatabi.

 
Pero alam kong
Kahit sino, pwede.
 

Ang dami-daming tao.
 
Hindi ako makahinga. Hindi ako makahinga nang nag-iisa.
 

Ang korni.
 

Lasing man siguro ako
Di naman ibig sabihing hindi totoo.

 
Gusto kong malaman mong
Ginawa ko yun dahil hindi ko
Na alam ang gagawin.

 
Naliligaw ako.

Na

     hu
 

         hu
 

          log

 
 

            sa

             balon.
Walang katapusang lali-
 

m.
-Mag-uumaga na-

Di mo ba alam na hinahanap kita?
Ang     

Y A
N G nanlulukob KAP
MO

Ang umiipon

Sa         sa

      ri

 li
kong nagkalat.

SABOG

 

Wa tak-

Wa                        tak

 
Mula nang iwan mo.

Pag-ibig ko.
Ngayo’y wala na.
 

Nag-iisa ako
 

Sa masukal na kalsadang
Napupuno ng
Mga bakla.

Advertisements